...

because i am too lazy to do anything, i always end up daydreaming...oh yes! and smiling! =)

Tuesday, November 2, 2010

fuuuuuuuuu.


Posted on by carmelareena

hey froggy, where the hell did you come from!? fuu. bigla ka nalang sumusulpot! ang laki ng naitalon ko! paano ka napunta sa kwarto ko!? paano ka nakapasok sa bahay!? panoooo!!!!!>_<

wtf, kahit maliit ka lang amfnsjknbajksf!!!! :\

at ngayon, hindi na kita makita. san ka na nagpunta?! grrr. hindi ako makatulog dahil baka bigla ka nalang tumabi sa akin… maliban nalang kung nagiging prinsipe ka, okay lang. lol.

K. dahil jan, my room is all yours for tonight. bukas na bukas din sisiguraduhin kong mawawala ka na sa landas kow. goodnight self. T_T


Thursday, October 28, 2010

one day late...

oh hello there blog, i missed you! where the fuuu have you been? blah blah blah. Uhmkay so most of my October posts here i think is from formspring. mygehd, I've been away for too long. virtual world status, just like coke zero.

But…. but…. me zo lazy. will just post here what happened during the past two days. oh! and in bullets. >:)

  • Stakeholders meeting
  • Food. mygehd, think i have memorized their menu. paulit ulit. paulit ulit. T_T every time we hold trainings/workshops there, always same food.
  • I met Pouty. i don’t know what his problem is but he keeps on raising his left eyebrow and pouting his lips just like a maldita/mean girl (or… yeah, Tweety. yes, just like Tweety bird) i just can’t help myself but laugh and get pissed off. people like him annoys me. so arrogant or should i just say soooo maldita look, dude. K. . LIke you’re soo yabang and hangin and you’re like nagmamagaling but you are NOT. >:/ making simple things complicated just to show off to others. what the fuuu.kc seriously, dude, you really look like one bad cheeeeetuh when you do that habit of yours. >:) -it’s good to be bad sometimes. forgive meh. LOL
  • To Mr. Tuesday, please be good to me when we meet. Don’t drown me with all your sarcastic words. Thank you.
  • I don’t know what to do. Oh yes! Review. Read. Will take an “exam” this Friday.
  • Feeling sleepy but i don’t want to.
  • TAB KEY, Y U BE LIKE THAT?! Y U SO STICKY?! ugghhh

UHmmkay, so this is the end of my thinking capacity for now. Goodnight.

PS. Sorrry Mr. Pouty Guy,i don’t intend to be mean like this to you forever. just my first impression. let’s just hope it won’t last. :) Peace.

___________________

don't ask me about the title.

Tuesday, October 26, 2010

makulit na ba? sorry. XD

OO. hmpfff... haha. char lang! hindi sis. ikaw nga lang nagtatanong sakin dito., :))

ask whatever

inspired ka ba nowadays? by who? :)

YES! YES! YES! pero hindi kanino/sino eh. sa trabaho... ang sarap magtrabaho eh...sarap mamundok. :D

ask whatever

Monday, October 25, 2010

Sunday, October 24, 2010

what's your wish list for the coming . . . Halloween? ;)

so halloween talaga?! haha

-maglibot sa buong campus.. trick or treat with the org. :))
-halloween parteyyy. sa sementeryo. sparkling vampire character for me. :))))
-sana magstay si theene sa isang ghost house khit for on night lang.

ask whatever

nakuha mo na bang ma-bored sa FB? :)

yes. most of the time. loljk. but...yeah... XD

ask whatever

gusto mo bang bumalik sa pagkabata? ^_^

oo naman! walang problema. :))

ask whatever

hait ba busy ka, nakakpagsimba ka pa din? ;)

nakakapagpray pa rin. :D

ask whatever

Saturday, October 23, 2010

Sunday, September 5, 2010

HNNNNNNGGG.

Tangina. pwede naman magmura diba? minsan lang po. :(

Monday, August 30, 2010

bakit hindi napu-post sa tumblr yung mga tanong na sinagutan ko? bwahaha. hi hello! :D

hahaha! namimili sila kux. :)) teka seryosong tanong ba to? haha. diba pag nagsasagot meron nakalagay na share with--fb-twitter-blogger-tumblr. XD

ask whatever

Hehehehe. Salamat talaga ate Kukay. :) Salamat sa pagiging tapat na tagasubaybay. Hahaha! Pero tengkyu talaga. Nami-miss kita kapag hindi ka nagpopost.

Ako ay magiging masugid na taga subaybay ninio lahat! :)
Namimiss ko na din ng sobra ang buhay bum at magahapon at magdamag lang sa harap ng laffytaffy. major major tengkyu tengkyu so much! <3

ask whatever

Sunday, August 1, 2010

limbongaros

(forgive me..ples..this just once in a blue moon..)

Puso ko’y nangulila

Isip ko’y nabahala

Ngunit higit na nabigla

Sa iyong nagawa

Nang magpaalam ng tuluyan

upang matikman

pagibig ng aking kaibigan…

Wednesday, July 28, 2010

Minsan sa gitna ng bukid...

Habang si nanay ay nakaharap sa salamin at nag-aayos.


  • Don(kapatid): Saan ka punta nay?
  • Nanay: Ehh, nagpa-practice lang ako mag make-up eh. :( *yes. yung kala-mo-iiyak tone*
  • Don: O_o

  • Matapos ang ilang minuto....

  • Nanay: Oh Shine (isa pang palayaw), tingnan mo ako. *sabay upo sa kama at ngiting ngiti*
  • Ako: *nakatitig lang sa muka ni inay na wala namang pinagbago*
  • Nanay: *ngiti ngiti*
  • Ako: *tinitigan ng matagal at napangiti na lang*
  • Nanay: hindi halata ung sa mata? ^^ hmm. papalitan ko lipstick. hindi ko gusto lipstick.
  • Ako: oo. *akshooli nay ni hindi ka nga mukang nag-make up. ni eyeliner hndi halata.* hihi. pero di ko sinabi un. im a man of few words ika nga. shy type. lol.

  • Natawa lang ako. haha. Late bloomer si nanay, ngayon lang nag-aaral mag make-up. teehee. At like mother like daughter nga. Pareho kaming hindi marunong maglagay ng make up ni inay. Tama na ang lipstick sa kania. Maglalagay ng eyeliner pero muka namang hindi. Gagamit ng cheek tint (or kung anu man un) and after a minute or two, maghuhugas ng muka at maglalagay nalang ng polbo/pulbos/powder wateberr. At ayaw namin nagpapaayos sa parlor, kasi pareho kaming hindi nakukuntento sa ayus nila. LOL. *arte much* haha. wushoo. Lumalabas minsan ang pagdadalaga ng mahal kong nanay. : ))

Listahan ng mga gusto kong gawin, puntahan, ma-experience at ma-achieve kahit alam ko namang hindi ko magagawa lahat pero itatayp ko pa rin.

Part one

  • Malibot ang buong Mindoro Island!
  • Climb Mt. Halcon and Mt. Iglit-Baco
  • Mt. Makiling! Peak1! Peak2! Peak 3! 4 5 6 7..:))
  • Puerto Galera (yes! taga Mindoro ako ngunit di ko pa nasisilayan ang puerto!)
  • EK (tuhma. hindi pa ako nakakapunta. im a loser beybe)
  • Bungee jumping sa never ending bridge.lol. suicide
  • Boracay
  • Ilin Island, San JOse Occidental Mindoro
  • Makasama sa Tamaraw headcount
  • Umuwi ng Elbi!
  • Magtutong lumangoy! sumisisid! blah.
  • Cebu! para matry ito. :)
  • Learn how to cook! hahaha. yes yes. hindi ako marunong magluto, maliban sa nilagang tubig. lol. prito at noodles. mabuhay!
  • Japan! Japan!
  • Jowa.Syota.hahaha. Ooohlala Love!
  • Anime/Movie marathon for one week.(horror,suspense,comedy,romance,porn.LOL). mga five days pala. haha.
  • Play baseball
  • Magisip.

Part Two.

  • Batanes
  • Learn French and Nihongo.
  • Ma-memorize (at maintindihan) lahat ng anime songs sa laptop ko. :))
  • Mag alaga ng scorpion (yung Emperor black scorpion chuva), tarantula, snake. Wolo long. Ma-experience ko lang mag-alaga ng exotic pets. Si bez meron na. ugu. Ow. Gusto ko rin pala tiger, lion, panda, rabbit, dolphin, etc. :))
  • Makapag-download ng magagandang action movies para sa mga magulang kong araw araw akong kinukulit. “Anak, may nadownload ka na?”, Anak, anong bago? “Anak yung action na hindi nakakaantok panuorin”, Anung title nito? anung title nyan? Anak…anak…anak…anakkkkk!.
  • Lose weight (mga 5-15lbs) :))
  • Makapaglaro sa Twist and Shout and Panahon ko to: Ang Game Show ng buhay mo!
  • Cosplay T_T
  • Porcelain Doll. Maraming marami.
  • Play the piano, violin, cielo, guitar.
  • Joe Hisaishi and Tan Dun concert. (and lahat ng fave artists/musicians ko. from oldies to newbies. from classic to lady-gaga beat.wateberr)
  • Harana
  • Date with Ace. bwahaha.
  • Sing sing in front of madlang people.
  • Sky diving.
  • Learn the Mangyan language.
  • Leverage, GossipGirl, Heroes, CSI marathon.
  • Gymnastics!
  • Magpapansin kay kras sa pamamagitan ng paghulog ng barya. LOLjk. pero ang sarap siguro i-try nan. kababawan ko.sarreh.XD
  • Magpahula sa Quiapo. :))
  • Mag-isip.

My not-the-planner-2010 Planner :)

The-I-was-supposed-to-get-that-Coffeehouse-Planner-but-I-got-fat/broke-on-the-10th-Frappe Planner 2010

Tuesday, July 27, 2010

"Ang Hirap ninyong Ispelengin"

Ito ay akda ni John Emmanuel Ebora a.k.a juanrepublic.tumblr.com
(Patawad kung hindi na ako nakapagpaalam sa iyo Manong John)

Karamihan sa atin ay ayaw ng pag-usapan ang paksang jejemon. It’s a thing of the past. At wala din namang pupuntahan ang usapan dahil uuwi at uuwi pa rin sa kalayaang magpahayag ng isang tao.

Sinasabing sa panahon ngayon, mas malaki ang impluwensyang nakukuha ng mga kabataan sa telebisyon kumpara sa kanilang mga magulang. Kalimitan kasi, wala ang magulang at palagi na lang nakaharap sa telebisyon ang bata. Kaya’t ang kanyang pundasyon ng karunungan ay nagmumula sa telebisyon.

Suwerte tayo/kaming mga nagkamalay noong dekada nobenta. Namulat kami sa mga educational na palabas sa telebisyon. Meron kaming Sineskwela, Pahina, Hirayamanawari, Bayani, Mathtinik, Epol Apple, at iba pa.

Bumalik tayo sa kasalukuyan. Sa totoo lang, iilan na lamang sa mga programa sa telebisyon ngayon ang may kalidad at nakapagtuturo ng aralin at kagandahang-asal sa mga bata. Puro na lang for the sake of entertainment. Nawala na yung for the sake of education.

Tapos may mga programang hindi na nga nakapagbibigay ng values at education, mali pa ang spelling. Oo nga’t patnubay ng magulang ang kailangan ngunit paano na lamang kung wala ang mga magulang? Sino ang magtatama sa mga bata?



Ang larawan sa itaas ay ang bagong programa sa siyete na naghahanap ng mga bagong Sexbomb Dancers. Noong bata pa kami, kapag medyo may cleavage at maiikli na ang suot ng nasa palabas, nagtatakip na kami ng mga mata.

Hindi pagiging moralista ang nais kong ipunto dito. Ang akin lamang ay ang tamang spelling ng pamagat ng programa. alam naman natin na ang tamang spelling ng dance ay hindi Danz. Ginawa nila sigurong ‘cool’ at ‘jejemonize’ para tumaas ang market value at makiayon sa uso.



At hindi nag-iisa ang danz sa wrong-spelling-wrong na mga programa sa syete. Nandyan din ang ipinang-tapat nila sa Showtime, ang Diz Iz It. Alam naman natin ang tamang spelling ay ‘this is it’, hindi ‘diz iz it.’

Hindi ko lamang alam kung magpapatuloy pa rin ang programa. Ngayong linggo kasi na ito, puro pelikula ang ipinapalabas sa time slot ng nasabing programa.

Hindi na ako nabigla na may mga estudyante ako na hindi ganoong kahusay pagdating sa spelling. Bibihira na kasi ngayon ang nagbabasa. Ang karunungan ay spoon-fed na. Tumunganga ka na lamang sa harap ng boob tube at voila! Meron ka ng karunungan.

Kung karunungan mang matatawag iyon.

Kung tama man ang karunungan na ibinibigay sa mga manonood.

Kung tama man ang spelling.

Pero hindi. Alam natin na sablay.

Hindi na ako magtataka kung dadami pa ang mabobobo (paumanhin sa salitang aking ginamit) pagdating sa spelling. Hindi na ako magtataka kung sa pagche-check ko ng mga essay sa mga susunod na araw, buwan, at taon, may mga jejemon words na akong mabasa.

Dahil ang syete, naghahanda na naman ng bagong programa. Ang Jejemom kasama si komedyanang si Eugene Domingo.



Patnubay ng magulang ang kailangan. Iyan ang palaging sinasabi sa mga programa. Huwag sanang dumating ang panahon na ang henerasyong nagkamalay sa bagong milenyo ay hindi na marunong mag-spell ng tama.

Ang hirap ninyong ispelengin!

Isang umuulan at malamig na gabi sa inyong lahat. Padayon!

Monday, July 19, 2010

tomorrow is the day.

kinakabahan ako. and yet what am i doing here. gah im that stupid. i always escape things i dont want to face. the truth is natatakot ako na baka maging kahiya hiya lang yung interview. baka kung ano lang masabi ko. so ang iniisip ko kaya ko un, interview lang naman. bullshit with this attitude. gah reena you dont seem interested. sabi mo natatakot ka, oh dapar talaga eh wala ka namang ginagawang paraang para umusad yang buhay mo. puro ka excuses. wala ka ng ginawa kundi tumira sa ibang mundo mo. puro ka daydream. hindi ka yayaman at uunlad jan. the hell with your own world.

this is the way you left me.

no hope. no love. no glory. no happy ending.

Friday, July 16, 2010

“FOOLS’ GARDEN.”

by: Jane Le Vein

It was a sad, sordid evening
in Fools’ Garden.
We ate wine,
drank apples,
exchanged whispers by the fence,
whispers that didn’t make sense.

Her shape suspends
on a canopy accentuated
by falling stars.
Made a wish,
made a promise,
to not wander off that far.

But with the graceful way she walks
I can’t do nothing but just stare
as she drifted to the light
and left without a care.

We ate wine,
drank apples,

knowing never
it was our last supper
together.

Sad night, indeed
.

Thursday, July 15, 2010

gusto ko lang aminin ulit sa sarili ko na...

nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.
for not grabbing the opportunity when i had the chance. im in pain right now.
please let my sacrifice be worth it.

Tuesday, June 15, 2010

Alicia Keys - Wait Til You See My Smile (Official Video)

LOL.

someone followed me on tumblr tuhday! and i was like O_o when i saw her page. haha.
she's a foreigner and i dont know why she followed me. i mean, halu lady i am a filipino, i post in tagalog. i rant in tagalog. XD i'd like to think that you just accidentally clicked the follow button, but i think not. i messaged her but still no reply. XD of course i thanked her and followed her back. *sometimes i automatically do that.my way of saying thank you to people who follow me*
oh well. just saying. she surprised me..oh, she's not my first foreign follower by the way. i think there are 3 or 4 (small number? not for me) foreigners enjoying my nonsense posts in tumblr. *oh.wait.i dont even know if they're enjoying reading or not.LOL.) basta pinagtitiisan ang pag follow sa tulad ko. XD. Filipinos are worth following for.anu?haha

why am i smiling?

bukod sa bago na ang theme neto, madami pang reason.
pinapareport na ako mamaya. omigash! im so hoppy! =)
ay basta. =)

i am smiling because *click*.

Be happy. It’s contagious.

Life is so much more pleasant when you make others happy. It comes back to you...
one-hundred fold.

__________________
too lazy to type now, i'll finish this tomorrow. goodnight self!+)

Saturday, June 12, 2010

babala: kung ayaw ng mura wag ng basahin.

putang ina namang tumblr oh.
tang ina makisama ka naman. isang oras ko ng hinihintay yang pagload mo.puta.
tang ina. sira na page ko eh.tang ina.

Wednesday, June 9, 2010

nabibingi na ako.

dear…

tama na please. lalo akong napepressure kapag may sinasabi kau.

lalo bumababa ang confidence ko. tama na. wag kau mag expect muna please.

kasi nakakaiyak eh. gusto ko sabihin sa inio na dont expect, para walang disappointments. kasi baka hindi mangyari lahat ng iniisip nio. mabigat na ang pakiramdam ko, so let’s just wait muna. please.:|

-me,

Saturday, June 5, 2010

the climb



okay, not the miley cyrus climb... climb as in mountain climb...
it's been months since my last hike, (or trek lang pala) in Mt. Maculot, Batangas (685 MASL)...
and i always hear my tent ranting every minute. (scratch that "my tent", assuming lang n akin ung tent dito. LOL.)

"hey you layzbone! why dont you get a taste of sun's heat and climb an effin' mountain!!!ow komown! let me out of this effin' bag! use me! 'til im effin ripped into pieces!!!"

see!! what an annoying tent! and because im tired of your endless rants tent, i am now searching potential destinations for the next climb with the gang..(sana may sumama.hoho)

mt.manabu - Sto. Tomas, Batangas
Jump-off point: Sulok, Brgy. Sta Cruz, Sto. Tomas
LLA: 13.9777°, 121.2413°, 760 MASL
Days required / Hours to summit: 1 day / 1-2 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 2/9, Trail class 1-2

mt. batulao - Nasugbu, Batangas
Jump-off point: Evercrest Golf Course, Nasugbu
LLA: 14.0408 N 120.8011 E 811 MASL
Days required / Hours to summit: 1 day / 2-4 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 4/9, Trail class 3 with 60-70 degrees assault

mt. sembrano -Pililia, Rizal
Major jump-off: Brgy. Hall of Malaya, Pililla
LLA: 14°23'10"N; 121°21'57" E; 745 MASL
Days required / Hours to summit: 1 day / 3-4 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 3/9, Trail class 1-3

mt. daguldol -San Juan, Batangas
Major jump-off: Brgy. Hugom, San Juan
LLA: 13°40.380N 121°19.160E, 672 MASL (+ 672 m)
Days required / Hours to summit: 1-2 days / 5 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 3/9, Trail class 1-3
*kaso may guide fee..T_T di bale pagiipunan kita. dagat+bubdok= nirvana! LOLJK. angsaya nun!

mt. gulugod baboy
Anilao, Mabini, Batangas
Jump-off point: Philpan Dive Resort, Anilao, Mabini
LLA: 13°42'55"N; 120°53'43"E; 525 MASL -hihi..
Days required / Hours to summit: Half-day / 1-2 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 2/9, Trail class 1-2


PICO DE LORO
Ternate, Cavite
Major jump-off: Magnetic Hill, Ternate
LLA: 14° 12.855 N; 120° 38.785 E; 664 MASL
Days required / Hours to summit: 1-2 days / 4-5 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 3/9, Trail class 1-3

MT. MARAMI
Maragondon, Cavite

Jump-off point: Brgy. Ramirez, Magallanes, Cavite
LLA: 405 MASL
Days required / Hours to summit: 1-2 days / 4-6 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 3/9, Trail class 1-3

etong dalawang to: pangarap muna (kasama ang halcon). major climb eh! hoho! y'see! im a noob beybe!
MT. CALAVITE
Paluan, Occidental Mindoro
Jump-off: Sitio Ulasan, Brgy. Harrison, Paluan
LLA: 13°29'N,120°24'E, 1521 MASL
Days required / Hours to summit: 1-2 days / 5-6 hours
Specs:
Major climb, Difficulty 4/9, Trail class 1-3


Mt. Iglit
Calintaan, Occidental Mindoro
Jump-off: Mt. Iglit-Baco NP, Calintaan
LLA: 12°51'N, 121°10'E; 1432 MASL
Days required / Hours to summit: 2-3 days /9-11 hours
Specs:
Major climb, Difficulty 6/9, Trail class 3 with bouldering (250m)


okay, what a long list. im just a beginner. i repeat. beginner. kaya minor climb ang hanap koww.. yowww. and so il save money. *help* hoho. hey mangyan mountaineers! kulololot! let's have a journey up there again! (ahh, no, not in maculot). akyat! akyat!
may tent n ako! hehe.
ok.byee.pebebe na.:)
(source: pinoymountaineer.com)

Sunday, May 30, 2010

grace island getaway.





ako ngaun ay kayumanggi. and im soooowwww hapeyyyy. akala ko talaga wala n akong pagasa makapgbeach ngaung summer, buti may pahabol pa.. :D

buti nalang nalibre ni mayor ng bangka. XD pumunta ako ng isla with UP Mindorenos para magsaya after ng upcat review. and hndi lang uber kaligayahan ang inabot namin, uberrr sunburn din.

last week i was just dreaming of going to grace island and i didn’t really expect na matutupad agad yun. ang ganda kasi ng pictures na nakikita ko. parang small paradise. small boracay. and so we were really excited nung sinabi ni mayor na pupunta kami dun! and s super excite ko, i bought too much chicha. marami nga pala kami so marami din mngdala ng food. haha. tanan!

nasa san jose lang ang grace island, and tubong san jose din ako kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon n sumama.haha. loser much. di ko p nararating ang mga isla sa palibot.

sa sobrang excite ko hndi ko n namalayan kung anung oras kami nakarating. tenen! hndi ako natuwa masyado s nakita ko nung dumating kami. bakit?? kasi iba yung nasa pictures.hahaha. wala yung white sand. and maliit pala yung island. *dapat tlaga no expectations para no disappointments XD pero aus lang dahil superrr enjoy kami magbalsa! at clear ang tubig. starpis. andaming starpis. and sea orrrchin. and andami din pis. may torrtel. (oh! we saw dolly on our way tp grace. no agua. *sigh*) nakakatuwa talaga. salamat sa life vest dahil nakasurvive ako. :) kaso hindi ko nagawa ang lage kong ginagawa, hindi ako nakatalon sa tubig. hindi ako nakaligo ng maayos kasi mulalim. ay naligo ako by accident. tumaob yung balsa eh. hindi ako kaya. XD

syempre hindi mawawala ang moni session. bitin pero aus lang. we played cards, and kung sino ang loser tatagay. and dahil super swerte ko s cards, marami rami akong nainom.pakshet. *tang time na* ganyan ko lang inumin ang alak..hahaha.

after magmoni, nagbalsa ulit. lumipat s kabilang side ng island, ang linawww ng tubig. buti may gogels, nakakadungaw ako sa munting mundo ng starpis. nilibot din namin ang island at naamaze pa lalo sa view, sa mga rock formation.

at dahil low tide na nung hpon, dun ko super naappreciate ang island. dun lumabas yung hinihintay kong white sand.haha. dun lumbas ung hichurang nakita ko s picture. buti nalang. it was very relaxing view. pinaligaya ako ng husto ng lotide. nakumpleto rin sa wakas ang buhay ko.haha.

i had a really fun-filled experience with the org.

i shall return. haha. yeah. for sure. there are a lot of secrets here in my hometown kaya dapat iexplore ng bongga.

takte nga palang battery, wla tuloy silbi ang dala kong cam.haha.


Tuesday, May 25, 2010

Hope - Twista Feat. Faith Evans

Cuz I'm hopeful, yes I am, hopeful for today,
Take this music and use it
Let it take you away,
And be hopeful (hopeful) and he'll make a way
I know it ain't easy but that's okay.
cause we hopeful

sarreh.

siguro hanggang sa matapos ang pbb eh magpopost ako about dun..XD ibalik si yong. haha.. affected lang sa nangyayari. it's because wala ako pinagkakaabalahan ngaun. :c goodnight

ay putangna na yan.

masyado nmn ako apektado sa pbb.haha..tangna lang..ay aywan. ako ay niirita. tangna lang..hayyy..will delete this, i dont know when.

Monday, May 24, 2010

[ClashClip24/7 524

ewan ko. ang hirap magblame. both sides expressed their feelings. siguro masyado lang nakaka-offend ang rap ng pinoy hsmates. sabi ni joe, kakausapin nalng nila ang teenter (about rematch/to compete) but big bro said do it in a creative way. KUNG ANO ANG NASA PUSO NILA. so nag-rap sila. pero mukang naging masyadong mean ang song. the teenters were really hurt. they thought that was what they (pinoy) really feel. na naplastik sila or what. siguro the pinoy hsmates could've asked nicely, or could've rapped it in a nice way, or with nice msg. pero hndi eh. sokaya nagburst ang teenter.
pero naintindihan ko din naman n nagawa yun ng pinoy hsmates bec of pressure, and frustration and disappointment and just like what joe said, naging desperado na sila.. pero ewan ko. ewan ko na. ewan ko na. nasaktan ang lahat. big bro's really waiting for this to happen. higher ratings again. oh well, what to expect. this is a game.
(ok.it's almost 3am.wala n ako maisip.i'll add more if ever may maisip ulit ako. XD)



i hate myself.

nahhhh...natutuwa lang ako sa mga nangyayari. mixed emotions. fuck depota deputa.tonguena.

then im hapi na.hapi.hapi.:)
then O_0 O_0 O_0 O_0
then i was like ^____^


goodnight.

Saturday, May 22, 2010

james reid singing you belong tih me





JAMES REID! yes, nababaliw ako sa kgwapuhan mo..LOL. you belong with me!

Thursday, May 20, 2010

depota.deputa.III

potangna!
potangna!
potangna!
potangna!
potangna!

will deleted this after 1 day. or maybe not!
im so mad right now.

depota.deputa.II

i just cant get over for what big brother did to tricia. oo. tama. ang sinisisi ko ay si big bro. mahirap iblame sa housemates ang hindi nila pagpunta dahil decision nila un eh. so im blaming big brother dahil ipinagawa nia iyon. it is very clear to him kung ano ang situation ni tricia with other housemates. now what! tricia even felt more rejected! putang ina! /pardon for my bad words/ sa lahat ng ayaw ng isang tao ay ang feeling ng rejection. that's what you did big brother!!! sobrang sakit nun for a 15-year old! hindi mo ba alam yun! gaaahhhhh! pbb's getting into my nerves!!!

siguro nga tama yung nabasa ko from one of the posts in tumblr, you did that to gain profit. syempre, dahil madali makisimpatya ang tao, you did that. maaawa nga naman ang marami kay tricia. nominated sya, so maraming magvovote s kania bec of that. more votes, more money. (quoting jaredramos.tumblr). pasalamat ka BB at strong ang personality ni tricia. nakayanan nia pang ihandle ang mga ginagawa sa kanya.

and for the other housemates. wag kayo magmalinis! lahat ng tao may flaws! at pota isa kayo dun! you're saying she's a flirt?! eh ano pang tawag kay patrick?! tangna talaga. potapotapotapotapota.

masakit sakin yung nangyari kay tricia. alam kong napakasakit na mareject ka ng mga tao/friends kaya ganito nalang ang galit ko sa ginawa nila.

srsly, the worst episode of pbb teen clash. (may20,2010 episode)

this is so me.

You built up a world of magic because your real life is tragic.
Brick by Boring Brick // Paramore

wala ako maisip na title.

deputa.

ok so hindi maganda ang gabi ko.

napaka unexpected talaga ng buhay.

pinaiyak ako ng pbb

  • dahil sa ginawa kay tricia (kahit hindi ako fan, kawawa pa rin. bakit kelangan gawin un ni big brother, ang sarap nia awayin nagun.napakasakit nun. sigurado marami magrereact. ay marami n nga pala, twitter, fb tumblr. lahat na.)
  • nagbrownout hindi ko natapos, sinubukan kong manuod ng live stream per0 namn! naman! naman! naman! puro error sa connection.

may kaaway ako ngaun. minsan lang ako magalit sa buhay ko at nabigla ako sa sarili ko dahil ngaun lang ulit ako sumabog ng ganun. at nakakainis dahil pag nagagalit ako eh umiiyak lang ako. hell. shit. at naiiyak pa rin ako. hahaha..ang bigat naman sa pakiramdam ng nagagalit. kaya ayoko ng feeling na galit eh. kaya mabait ako.wahaha.. masama talaga pag sumasabog ang mga mababait. mukang di ko na nacontrol kanina ang galit ko. brownout kasi eh. LOLjk. hindi un ang reason.haha.

so ngaun naghahanap ako ng makakapagpagaan ng loob ko kaya dito ko nalang susubukan ilabas.hahaha.

naghahanap ako ng magandang music.

naghahanap ako ng mapupuntahan kaso wala naman ang mga kaibigan ko dito.

kaya dito nalang sa tumblr.hahaha.

yeah.shit.pi.hellllllll….

Tuesday, May 18, 2010

i cont sleep.

listening to lemon tree, rainy day, closer, fall for her, nothing, welcome sun, nothing, wild days, and nothing. Fool’s Garden

i always sing lemon tree in videoke (dati, its all coming back and wannabe.LOL) like hell yeah, like yeah..haha.. at kahit sila nanay ko naman ang nagvivideoke paminsan, tatawagin ako para lang sa lemon tree. i wonder why. (minsan alone. yez, pinagkakatuwaan ako for that. haha) ang cute ng music eh (pati yung rainy day). i feel so relaxed kapag napapakinggan ko un.

at dahil napansin kong palagi ko ng kinakanta ang lemon tree at pinapakinggan ang ibang songs Fool’s Garden, i changed my url (sa tumblr) to foolsgarden. ang dami kong iniisip dati kung ano ba ipapalit kong url, and then poof! after so dami daming isip isip, bkit di nalang foolsgarden? tutal madalas ko silang pakinggan ngaun at napapasaya ng music nila boring summer ko. ;p (although im not really a hardcore fan) masyado lang talaga akong natutuwa sa ilang music nila.:D kaya foolsgarden na! yey!

meron pa sana akong idadagdag kanina, pero nakalimutan ko nanaman. damn. whattabrain. uggghhh. at matagal na nga pala ako nagpalit ng url. LOL.

it’s almost 2am at hindi pa rin ako makatulog. wala na ako magawa. kaya im posting this. wala na rin kasi ako maisip. haha. wala. wala. wala. sondtrep nalang.

truth be told, i miss you

and truth be told im lying!

when you see my face hope it gives you hell, hope it gives you hell.........

Broken Heart Acoustic - Motion City Soundtrack

i love this song. nakaka lss. at nakakarelate ako..haha.. what a nize zong. i love it.


formspring.me

ask whatever http://formspring.me/carmelareena

Monday, May 17, 2010

depota.deputa.I

haha.apologies for the bad words guys. depota naman kasing pagkabagal ng net ngaun.. hoooo.. ayan nakahinga na ako ng maluwag (mejo lang).

ang sakit ng tyan ko.fffuuuuuuuu
kanina pa ako pabalik balik.fckkkkkk

im watching fiddler on the roof right now. and i am also reading onemanga (shiawase kissa). and also browsing the net for whatever. oyeah,multitasking, ehh.haha...

hay depopo naman talaga namang internet are'.

Friday, May 14, 2010

lazybone.

my "cut outs of my life project na supposedly nagsimula kahapon pa ay hindi ko p nagagawa..haha...

Wednesday, May 12, 2010

this is so yesterday. (just wanted to reblog from blogsecret.tumblr) :)

16210.) I thought we were everything. I thought we had everything.

There were problems, yes, but there is no such thing as perfection. I didn’t want any problems other than yours and mine. We FINALLY had forever, but then you had to fuck up and leave me behind. You say you love me, you say you won’t forget me, you say all of this shit. I don’t even know what to believe anymore and I feel so empty trying to move on without you. What am I supposed to do with you gone? Physically gone, emotionally gone, completely gone. You want me to forget about you, but I can’t do that. You know I can’t do that. You were supposed to be my first and only, how am I supposed to forget you??

I always thought I would be the one to leave, not you.

I miss you and it hurts so much.

I can only hope a few months from now, a few years, who knows, but sometime in the future, you will finally come back to my house and surprise me, just show up on my doorstep. Maybe I won’t recognize you, maybe you’d change all of your bad habits, maybe you would still love me. Maybe you would be exactly the same, but maybe, hopefully, you will still let me drown in your hugs and the scent of you because that’s all I want. I need you so much..

13 year old lady gaga paparazzi cover

ang galing!!

cut-outs!

oh yes! sana gumising ulet ako with good vibes tomorrow! at sipagin ulet ako bukas. i plan to start my "cut-outs of my life" project.

this.

16208.) sometimes, there’s no way i can write my thoughts down. I always think twice. What if i don’t say the right thing. what if someone see’s my another way after I write it. So i’ll just keep them to myself, and my life will always be my own question.

-blogsecret.tumblr.com

i feel the same.

Monday, May 10, 2010

MAKE or BREAK for our country

oh Lord spare us from another suffering this country might experience...sana maging maayos ang kalabasan ng result. (sana ung deserving ang manalo) sana red.LOL. may the most deserving candidates win.AMEN! c:

P.S. PCOS, gawin ng tama ang iyong responsibility. i know it's hot here in PI but try not to overheat while counting the votes..we are counting on you!haha (ok, panget) haha...





DEPARTURES - the movie from Here Films and Regent Releasing.

DEPARTURES - the movie from Here Films and Regent Releasing.

i could change the world (err, my country)

yosh! i just did my responsibility as a citizen of this country...nakapag boto na ako. first time! and i was really nervous. i was afraid my ballot will not be read. and yes i was right..nah..haha nung una hindi sya naread, (there's always a second chance nga naman, so nung tinry ulit ipasok, naread din sya sa wakas!haha...

i dont feel like blogging right now. ciao....


cheers for the change of this country...

i voted for RED.

Saturday, May 8, 2010

at least one post a day

to all the mothers out there

thanks to champorado

naalala ko na ang ipopost ko sana kanina…

_______

my beltbag’s getting really big. i need to get rid of it..haha…

how annoying :/

i was about to post a text on tumblr, pero nakalimutan ko agad kung ano un. im so p-o'ed (naks, may natututunan na ako. thanks to urban dictionary) Haha...

argghhhh...but im really annoyed. why do i have to be so forgetful. fudge!

it's because

i forget things easily...

LOL

i think i overused this word to my previous posts...it's not really funny using this. haha

i got the definition from Urban Dictionary.

ok so maybe il lessen (or maybe stop) using LOL.
_________________________

It's original definition was "Laughing out loud" (also written occasionally as "Lots of Laughs"), used as a brief acronym to denote great amusement in chat conversations.

Now, it is overused to the point where nobody laughs out loud when they say it. In fact, they probably don't even give a shit about what you just wrote. More accurately, the acronym "lol" should be redefined as "Lack of laughter."

Depending on the chatter, its definition may vary. The list of its meanings includes, but is not limited to:
1) "I have nothing worthwhile to contribute to this conversation."
2) "I'm too lazy to read what you just wrote so I'm typing something useless in hopes that you'll think I'm still paying attention."
3) "Your statement lacks even the vaguest trace of humor but I'll pretend I'm amused."
4) "This is a pointless acronym I'm sticking in my sentence just because it's become so engraved into my mind that when chatting, I MUST use the meaningless sentence-filler 'lol.'"


by no_one_2000 Aug 10, 2005

hell-rock-paper-scissors

poor doraemon

yeehaaa

im waiting.waiting.waiting for my things from elbi. :D

meron na akong pagkakaabalahan sa wakas.

im freezing in the sun

ang init! at dahil mainit i cant think of anything. nothing at all. really. nothing..............................................................................LOL. maybe i woke up with good vibes. nakapaglaba kasi ako ngayon. [achievement] since i am the type of person who doesnt move much. because i am tooooo laaaazzzzzyyyyyyyyyy.....(oh but i really enjoy outdoor acitvities: hiking act. trekking, etc...) para kasing pag andito ako sa loob ng bahay tinatamad na ako kumilos. kasi this is my comfort zone. eto yung area ko na makakapagtamad tamaran ako.

my everyday ritual:
  • wake up early, nah, late...(around 9-10am)
  • fb.tumblr.blogspot.onemanga
  • lunch
  • fb.tumblr.blogspot.onemanga
  • fb.tumblr.blogspot.onemanga
  • fb.tumblr.blogspot.onemanga
  • dinner
  • fb.tumblr.blogspot.onemanga
  • fb.tumblr.blogspot.onemanga
  • fb.tumblr.blogspot.onemanga
  • fb.tumblr.blogspot.onemanga
  • fb.tumblr.blogspot.onemanga
  • bedtime
yah i DONT have a life.

wala ako silbi. LOL.
im reallr lazy to do anything other than those.
and i really love to daydream.


(konek nung title?ewan.LOL)

Friday, May 7, 2010

night with legends

may42010

this should've been posted days ago pa. oh nevermind.

that night i was really high on drugs. LOLjk. im, or should i say we're,..ok. we're high not because of drugs but because of our very own PBA legends. they went here and played with our selected players. that was really fun. i went out with my two gal pals, mamai and kim. (btw, much thanks for the treat mai! and kim for the camera! :D) we were not that really excited at first. (hndi nga ba?hehe), we came late..uhm, one hour late? thirty mins? oh i cant remember, basta we're late.LOL..we entered the gym with fresh looks but super crowded naman! like you'll exchange your face with the person next to you (haha, okay exag)..really, sa sobrang crowded eh ang pabango m, pabango na rin ng katabi m. and so we made our way out of that hell, err no, i mean crowd. standing ovation ang mga remyk!( that's REna,MYlene,Kim) LOL. pero syempre nakahanap din kami ng upuan, luck is on our side. ^_^

and then after many many many many minutes of waiting, nagstart n ang game. that's when our excitement went out of nowhere. we were screaming and shouting and screaming and shouting and scre...ok over..haha..eh sobrang excited talaga. papa alvin patrimonio was there! and val david and papa johnny abarrientos! and that big guy feihl and basta legends. LOL.

it was really funny coz our players are small compared to them (oh but younger so maliksi sila!). wala pa kami cam nung una kaya hindi namin ncapture ang moments ng player with this really funny outfit (my rant: bakit kasi hindi ginawan ng uniform ang players namin!ang panget tuloy tignan), ok going back,..hmm bakit funny? eh ksi funny ung looks nia dahil sa suot nia.haha..with green jersey and pink shorts..and long socks. im really eager to know kung sino ang stylist nung player na un..LOL. but they really did their best in the game. (tambak nga lang in the end.haha)

during breaks, pwede magpapicture with the legends. and because of that, napilit namin (or ni mamai lang.haha) na pauwiin si kim at kunin ang cam (realllyyy thank you for the effort bot!). so hinatid namin si kim palabas and poof! nagkachance kami ni mamai na makalapit (upper box lang kasi ung ticket) at makahanap ng pwesto s baba. *luck is on our side*

"mai wala tau camera. =("

and then pag tingin ko may kausap na si mamai, *oh really we're so lucky* buti nlng andun ang relatives nia so nakahiram kami ng cam!

dahil nga im so lame, hindi ko makita si papa alvin. "san mai!?" "aunnn!!!!!!"

okay so super swerter talaga..haha..nakapagpapicture kami with papa alvin.. *kinikilig*

after that first picture with him hindi n maalis ang ngiti ko.hahaha

dumating n si kim with her cam and we managed to change our location..muwahahaha..as in super lapit na sa players.

we waited until the game ended. (i remembered, yung madlang pipol nagsitakbuhan na s gitna before pa mag end ung last 2mins.haha)

crowded.crowded.and fudge crowded.

hndi lang sariling pawis namin kundi pati pawis ng kung sino mang nilalang ang nasa balat namin. kelangan tiisin un para lang makapagpapicture with the legends. LOL. syempre di nmn kami papayag n wala noh. in our each na si papa alvin at papa johnny eh!

dhil sa liit ko pinagtulakan lang ako ng tao.=( ahha..so naiwan ako sa isang tabi at si mamai at kim nakapagpapicture with other players. i envy mamai! picture with papa johnny..huhu..wala kami pic with papa val..pero aus lang,,nabangga ko naman sya at masaya na ako dun..ganun ako kababaw.LOL

so after the loonggg wait, nakapagpapicture at nakakiss pa kami with papa alvin! so bangag tlaga kami! ndi ginagalaw ang right cheek. LOL. kelangan kami bigyan ng kalamnsi para maalis ang ngiti namin nun! hahaha..sobra kinikilig ang tatlo..hahhaa...then super gm with other barkada. "SULIT ANG ISANG KISS SA CHEEK".

hanggang sa kumain at paguwi, ganito ang smile namin ^_______________________^

pagbigyan nio na ko, sobra talaga ko kinilig nun. because i like papa alvin! he's so humble. and pogi and pogi and gwapo and pogi. LOL


oh what a night. sana maulit un! and il surely hug papa alvin kapag naulit un! masyado kasi ako nabighani ng kanyang kagwapuhan.LOL.

really fun experience. sana maulit. =)