(Patawad kung hindi na ako nakapagpaalam sa iyo Manong John)
Karamihan sa atin ay ayaw ng pag-usapan ang paksang jejemon. It’s a thing of the past. At wala din namang pupuntahan ang usapan dahil uuwi at uuwi pa rin sa kalayaang magpahayag ng isang tao.
Sinasabing sa panahon ngayon, mas malaki ang impluwensyang nakukuha ng mga kabataan sa telebisyon kumpara sa kanilang mga magulang. Kalimitan kasi, wala ang magulang at palagi na lang nakaharap sa telebisyon ang bata. Kaya’t ang kanyang pundasyon ng karunungan ay nagmumula sa telebisyon.
Suwerte tayo/kaming mga nagkamalay noong dekada nobenta. Namulat kami sa mga educational na palabas sa telebisyon. Meron kaming Sineskwela, Pahina, Hirayamanawari, Bayani, Mathtinik, Epol Apple, at iba pa.
Bumalik tayo sa kasalukuyan. Sa totoo lang, iilan na lamang sa mga programa sa telebisyon ngayon ang may kalidad at nakapagtuturo ng aralin at kagandahang-asal sa mga bata. Puro na lang for the sake of entertainment. Nawala na yung for the sake of education.
Tapos may mga programang hindi na nga nakapagbibigay ng values at education, mali pa ang spelling. Oo nga’t patnubay ng magulang ang kailangan ngunit paano na lamang kung wala ang mga magulang? Sino ang magtatama sa mga bata?
Ang larawan sa itaas ay ang bagong programa sa siyete na naghahanap ng mga bagong Sexbomb Dancers. Noong bata pa kami, kapag medyo may cleavage at maiikli na ang suot ng nasa palabas, nagtatakip na kami ng mga mata.
Hindi pagiging moralista ang nais kong ipunto dito. Ang akin lamang ay ang tamang spelling ng pamagat ng programa. alam naman natin na ang tamang spelling ng dance ay hindi Danz. Ginawa nila sigurong ‘cool’ at ‘jejemonize’ para tumaas ang market value at makiayon sa uso.
At hindi nag-iisa ang danz sa wrong-spelling-wrong na mga programa sa syete. Nandyan din ang ipinang-tapat nila sa Showtime, ang Diz Iz It. Alam naman natin ang tamang spelling ay ‘this is it’, hindi ‘diz iz it.’
Hindi ko lamang alam kung magpapatuloy pa rin ang programa. Ngayong linggo kasi na ito, puro pelikula ang ipinapalabas sa time slot ng nasabing programa.
Hindi na ako nabigla na may mga estudyante ako na hindi ganoong kahusay pagdating sa spelling. Bibihira na kasi ngayon ang nagbabasa. Ang karunungan ay spoon-fed na. Tumunganga ka na lamang sa harap ng boob tube at voila! Meron ka ng karunungan.
Kung karunungan mang matatawag iyon.
Kung tama man ang karunungan na ibinibigay sa mga manonood.
Kung tama man ang spelling.
Pero hindi. Alam natin na sablay.
Hindi na ako magtataka kung dadami pa ang mabobobo (paumanhin sa salitang aking ginamit) pagdating sa spelling. Hindi na ako magtataka kung sa pagche-check ko ng mga essay sa mga susunod na araw, buwan, at taon, may mga jejemon words na akong mabasa.
Dahil ang syete, naghahanda na naman ng bagong programa. Ang Jejemom kasama si komedyanang si Eugene Domingo.
Patnubay ng magulang ang kailangan. Iyan ang palaging sinasabi sa mga programa. Huwag sanang dumating ang panahon na ang henerasyong nagkamalay sa bagong milenyo ay hindi na marunong mag-spell ng tama.
Ang hirap ninyong ispelengin!
Isang umuulan at malamig na gabi sa inyong lahat. Padayon!

No comments:
Post a Comment