...

because i am too lazy to do anything, i always end up daydreaming...oh yes! and smiling! =)

Wednesday, July 28, 2010

Minsan sa gitna ng bukid...

Habang si nanay ay nakaharap sa salamin at nag-aayos.


  • Don(kapatid): Saan ka punta nay?
  • Nanay: Ehh, nagpa-practice lang ako mag make-up eh. :( *yes. yung kala-mo-iiyak tone*
  • Don: O_o

  • Matapos ang ilang minuto....

  • Nanay: Oh Shine (isa pang palayaw), tingnan mo ako. *sabay upo sa kama at ngiting ngiti*
  • Ako: *nakatitig lang sa muka ni inay na wala namang pinagbago*
  • Nanay: *ngiti ngiti*
  • Ako: *tinitigan ng matagal at napangiti na lang*
  • Nanay: hindi halata ung sa mata? ^^ hmm. papalitan ko lipstick. hindi ko gusto lipstick.
  • Ako: oo. *akshooli nay ni hindi ka nga mukang nag-make up. ni eyeliner hndi halata.* hihi. pero di ko sinabi un. im a man of few words ika nga. shy type. lol.

  • Natawa lang ako. haha. Late bloomer si nanay, ngayon lang nag-aaral mag make-up. teehee. At like mother like daughter nga. Pareho kaming hindi marunong maglagay ng make up ni inay. Tama na ang lipstick sa kania. Maglalagay ng eyeliner pero muka namang hindi. Gagamit ng cheek tint (or kung anu man un) and after a minute or two, maghuhugas ng muka at maglalagay nalang ng polbo/pulbos/powder wateberr. At ayaw namin nagpapaayos sa parlor, kasi pareho kaming hindi nakukuntento sa ayus nila. LOL. *arte much* haha. wushoo. Lumalabas minsan ang pagdadalaga ng mahal kong nanay. : ))

Listahan ng mga gusto kong gawin, puntahan, ma-experience at ma-achieve kahit alam ko namang hindi ko magagawa lahat pero itatayp ko pa rin.

Part one

  • Malibot ang buong Mindoro Island!
  • Climb Mt. Halcon and Mt. Iglit-Baco
  • Mt. Makiling! Peak1! Peak2! Peak 3! 4 5 6 7..:))
  • Puerto Galera (yes! taga Mindoro ako ngunit di ko pa nasisilayan ang puerto!)
  • EK (tuhma. hindi pa ako nakakapunta. im a loser beybe)
  • Bungee jumping sa never ending bridge.lol. suicide
  • Boracay
  • Ilin Island, San JOse Occidental Mindoro
  • Makasama sa Tamaraw headcount
  • Umuwi ng Elbi!
  • Magtutong lumangoy! sumisisid! blah.
  • Cebu! para matry ito. :)
  • Learn how to cook! hahaha. yes yes. hindi ako marunong magluto, maliban sa nilagang tubig. lol. prito at noodles. mabuhay!
  • Japan! Japan!
  • Jowa.Syota.hahaha. Ooohlala Love!
  • Anime/Movie marathon for one week.(horror,suspense,comedy,romance,porn.LOL). mga five days pala. haha.
  • Play baseball
  • Magisip.

Part Two.

  • Batanes
  • Learn French and Nihongo.
  • Ma-memorize (at maintindihan) lahat ng anime songs sa laptop ko. :))
  • Mag alaga ng scorpion (yung Emperor black scorpion chuva), tarantula, snake. Wolo long. Ma-experience ko lang mag-alaga ng exotic pets. Si bez meron na. ugu. Ow. Gusto ko rin pala tiger, lion, panda, rabbit, dolphin, etc. :))
  • Makapag-download ng magagandang action movies para sa mga magulang kong araw araw akong kinukulit. “Anak, may nadownload ka na?”, Anak, anong bago? “Anak yung action na hindi nakakaantok panuorin”, Anung title nito? anung title nyan? Anak…anak…anak…anakkkkk!.
  • Lose weight (mga 5-15lbs) :))
  • Makapaglaro sa Twist and Shout and Panahon ko to: Ang Game Show ng buhay mo!
  • Cosplay T_T
  • Porcelain Doll. Maraming marami.
  • Play the piano, violin, cielo, guitar.
  • Joe Hisaishi and Tan Dun concert. (and lahat ng fave artists/musicians ko. from oldies to newbies. from classic to lady-gaga beat.wateberr)
  • Harana
  • Date with Ace. bwahaha.
  • Sing sing in front of madlang people.
  • Sky diving.
  • Learn the Mangyan language.
  • Leverage, GossipGirl, Heroes, CSI marathon.
  • Gymnastics!
  • Magpapansin kay kras sa pamamagitan ng paghulog ng barya. LOLjk. pero ang sarap siguro i-try nan. kababawan ko.sarreh.XD
  • Magpahula sa Quiapo. :))
  • Mag-isip.

My not-the-planner-2010 Planner :)

The-I-was-supposed-to-get-that-Coffeehouse-Planner-but-I-got-fat/broke-on-the-10th-Frappe Planner 2010

Tuesday, July 27, 2010

"Ang Hirap ninyong Ispelengin"

Ito ay akda ni John Emmanuel Ebora a.k.a juanrepublic.tumblr.com
(Patawad kung hindi na ako nakapagpaalam sa iyo Manong John)

Karamihan sa atin ay ayaw ng pag-usapan ang paksang jejemon. It’s a thing of the past. At wala din namang pupuntahan ang usapan dahil uuwi at uuwi pa rin sa kalayaang magpahayag ng isang tao.

Sinasabing sa panahon ngayon, mas malaki ang impluwensyang nakukuha ng mga kabataan sa telebisyon kumpara sa kanilang mga magulang. Kalimitan kasi, wala ang magulang at palagi na lang nakaharap sa telebisyon ang bata. Kaya’t ang kanyang pundasyon ng karunungan ay nagmumula sa telebisyon.

Suwerte tayo/kaming mga nagkamalay noong dekada nobenta. Namulat kami sa mga educational na palabas sa telebisyon. Meron kaming Sineskwela, Pahina, Hirayamanawari, Bayani, Mathtinik, Epol Apple, at iba pa.

Bumalik tayo sa kasalukuyan. Sa totoo lang, iilan na lamang sa mga programa sa telebisyon ngayon ang may kalidad at nakapagtuturo ng aralin at kagandahang-asal sa mga bata. Puro na lang for the sake of entertainment. Nawala na yung for the sake of education.

Tapos may mga programang hindi na nga nakapagbibigay ng values at education, mali pa ang spelling. Oo nga’t patnubay ng magulang ang kailangan ngunit paano na lamang kung wala ang mga magulang? Sino ang magtatama sa mga bata?



Ang larawan sa itaas ay ang bagong programa sa siyete na naghahanap ng mga bagong Sexbomb Dancers. Noong bata pa kami, kapag medyo may cleavage at maiikli na ang suot ng nasa palabas, nagtatakip na kami ng mga mata.

Hindi pagiging moralista ang nais kong ipunto dito. Ang akin lamang ay ang tamang spelling ng pamagat ng programa. alam naman natin na ang tamang spelling ng dance ay hindi Danz. Ginawa nila sigurong ‘cool’ at ‘jejemonize’ para tumaas ang market value at makiayon sa uso.



At hindi nag-iisa ang danz sa wrong-spelling-wrong na mga programa sa syete. Nandyan din ang ipinang-tapat nila sa Showtime, ang Diz Iz It. Alam naman natin ang tamang spelling ay ‘this is it’, hindi ‘diz iz it.’

Hindi ko lamang alam kung magpapatuloy pa rin ang programa. Ngayong linggo kasi na ito, puro pelikula ang ipinapalabas sa time slot ng nasabing programa.

Hindi na ako nabigla na may mga estudyante ako na hindi ganoong kahusay pagdating sa spelling. Bibihira na kasi ngayon ang nagbabasa. Ang karunungan ay spoon-fed na. Tumunganga ka na lamang sa harap ng boob tube at voila! Meron ka ng karunungan.

Kung karunungan mang matatawag iyon.

Kung tama man ang karunungan na ibinibigay sa mga manonood.

Kung tama man ang spelling.

Pero hindi. Alam natin na sablay.

Hindi na ako magtataka kung dadami pa ang mabobobo (paumanhin sa salitang aking ginamit) pagdating sa spelling. Hindi na ako magtataka kung sa pagche-check ko ng mga essay sa mga susunod na araw, buwan, at taon, may mga jejemon words na akong mabasa.

Dahil ang syete, naghahanda na naman ng bagong programa. Ang Jejemom kasama si komedyanang si Eugene Domingo.



Patnubay ng magulang ang kailangan. Iyan ang palaging sinasabi sa mga programa. Huwag sanang dumating ang panahon na ang henerasyong nagkamalay sa bagong milenyo ay hindi na marunong mag-spell ng tama.

Ang hirap ninyong ispelengin!

Isang umuulan at malamig na gabi sa inyong lahat. Padayon!

Monday, July 19, 2010

tomorrow is the day.

kinakabahan ako. and yet what am i doing here. gah im that stupid. i always escape things i dont want to face. the truth is natatakot ako na baka maging kahiya hiya lang yung interview. baka kung ano lang masabi ko. so ang iniisip ko kaya ko un, interview lang naman. bullshit with this attitude. gah reena you dont seem interested. sabi mo natatakot ka, oh dapar talaga eh wala ka namang ginagawang paraang para umusad yang buhay mo. puro ka excuses. wala ka ng ginawa kundi tumira sa ibang mundo mo. puro ka daydream. hindi ka yayaman at uunlad jan. the hell with your own world.

this is the way you left me.

no hope. no love. no glory. no happy ending.

Friday, July 16, 2010

“FOOLS’ GARDEN.”

by: Jane Le Vein

It was a sad, sordid evening
in Fools’ Garden.
We ate wine,
drank apples,
exchanged whispers by the fence,
whispers that didn’t make sense.

Her shape suspends
on a canopy accentuated
by falling stars.
Made a wish,
made a promise,
to not wander off that far.

But with the graceful way she walks
I can’t do nothing but just stare
as she drifted to the light
and left without a care.

We ate wine,
drank apples,

knowing never
it was our last supper
together.

Sad night, indeed
.

Thursday, July 15, 2010

gusto ko lang aminin ulit sa sarili ko na...

nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.nagsisisi ako.
for not grabbing the opportunity when i had the chance. im in pain right now.
please let my sacrifice be worth it.